Unduh lagu favoritmu dari Ramdiss, Hero, Gloc-9, G-Clown berjudul NASPI hanya di STAFABANDMP3. Lagu ini tersedia dalam format MP3 dengan kualitas terbaik.
Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Sa lupain kung san ba tinubuan ng husay gumaling Nakipag-balagbagan ng sungay tumalim Nilagyan ng kulay ang mga tula't hinaing Kaya mulat dumating Salamat kay nanay gumana ang pakay Mga umalalay humanap ng palay Kaya ako naririto Buhay na inalay inaral nag-sanay Umasa na sana'y pangarap maakay Ipinangakong 'di uuwing bigo Hindi kumaliwa Nakaipon ng tubig kahit na butas na ang timba Mga luha't pawis na ni minsa'y 'di ko ininda Lukot na papel panulat na naubos ang tinta Panahon ang nagdikta Tubong Tanay na kung san-san napadako Patuloy sumasabay kahit sa luma o bago Ako yung panday na pandayo sakay ng kabayo 'Pag nag-sunog ng kilay 'di mo pagkakamalang tao Estudyanteng pumapasok kahit na sarado (sarado) Malinaw ang mata kahit na ang taas ng grado (grado) Payaso ang plaka pero 'pag nag-ayos plakado (plakado) Kilalang kwela sa eskwela pero laging eskwalado (eskwalado) Ganado palagi madapa o magapi Matalo masawi ano man ang kapalit Handa 'kong magbawi babangon pabalik Ano mang dagok 'pag tinaya mo pati pato madali Daan ay tila nag-yelo Dumulas man ang sasakyang minamaneho Hinding-hindi magpepreno Dibdib hindi na dinaga nung mahainan ng keso Ako ay susugal hanggang magapi ang bangkero Tayo ay hindi pareho Kung nakabase ka sa malakihan na premyo salaping nakaselyo Sa'kin ang pinaka-sentro siyento porsiyento Ako ay nakatodo palagi hanggang maging bida sa kwento Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Dito sa eskinita na madilim Bakas sa balat ng tao ang kalagayang malagim Patunay itim na kulay lumalabong paningin Sa gutom ay magdidilim kapag lumaktaw ka ng hanapbuhay Isang kahig isang tuka Kakain 'pag tumabo 'pag na-blanko tulala Balewala ang mga trabaho mahirap man kinakaya pa lalo Kapag wala kang mailagay sa plato Panigurado kalam ng sikmura makakabangga mo Wala kang karapatan na mag-reklamo Kung ano lamang ang nakayanan 'yun lang ang laman ng bandehado Tandaan mo na kapag ipinanganak kang argabyado antimano Kabilang talampakan mo'y nakaapak na sa kuta ng mga diyablo Obligado kang gawin Ang mga bagay na 'di mo naman gustong gawin Kapalit ng kapirasong salapi buhay pagod oras sandali Pati ang panahon mong nalalabi masasaid Sa kakahanap mo ng pantawid Sa patintero ni kamatayan Tanging ka-duelo mo'y kalagayan Balik sa pwesto kung mataya man Hanap ng tiyempo sagad ang buwelo Hanggang makawala ka sa palad ng impiyerno Dito sa amin mahirap pero laging kinakaya Bibihira ang mga nakahilata Araw-araw na gumagalaw punong-puno ng pag-asa Na balang araw matamasa Ang buhay na masagana't makahiga sa malambot na kama Basta't kayumanggi ang balat Asahan mong buntot ay hindi bahag nakangiting papalag Kilalang matibay at matatag Kaya kahit na ano pa 'yan ay kakayanin lahat Walang-wala na pero makikita mo pa din na tumatawa Salat man sa kayamanan pero mayaman at masagana Sa pag-ibig at pagmamahal at yun ang mga wala sa ibang bayan Na gustong bulabugin angkinin sakupin ang Perlas ng Silanganan Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Klima na mainit so hot hot (hot hot) Presyo ng bilihin goes up up (up up) Polusyon Luzon to Mindana-a-ao Talaga namang ika'y mangangayaw yaw (yaw yaw) Yun ay kung 'di ka sanay (ka sanay) Dito sa Pinas bawal magreklamo (sa Pinas bawal) Kung 'di ka madiskarte lahat panabay (panabay) Bulag pipi pilay bata o matanda (pilay) Nagkalat at laman ng kalye (prrrt kalye) Mga tindahan sa tabi-tabi Literal tabi-tabi pero magkakabati Mga linggwahe na iba-iba oo magkakaiba Pero sa pagmamahal tiba-tiba diba diba Kakaiba kapag sinabing Pinoy Bida bida sa paningin ng mga naa-annoy Hindi na namin kasalanan kung 'di ka makajoin (ha ha ha) Pakara ba o baka naman Natural na sa amin na maging masaya-ah-ah Kita mo 'yan sa aming mata-ah-ah May pagmamahal sa ginagawa-ah-ah Bawal dito ang mahiya mahiya-ah-ah Mapa-kanta sayaw rap tula Pagkain lugar magaganda na tanawin At higit sa lahat ang mga bayani Tanging natira ay ang sugo ng rap ako yon (Hero) Pumukol ng pumukol na parang sira-ulo (sira-ulo) Mayroong sariling pakulo kada baba ng pulo (baba ng pulo) Kahit na magkabukol kakasubok magkasubukan man Ay asahan mong subok na 'to hanggang sa dulo (hanggang sa dulo) Pinong-pino ang katas kapag may Pilipino (Pilipino) Malabong mapaatras 'yan ng kung sino-sino (sino-sino) 'Pag usapan ay Pinas lahat ay imbitado Areglado sigurado gigiba ang entablado Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Sa mundong 'pag masaya ka ang pagod 'di alintana May kalakip man na pighati at drama May kalasag ng tinitingala o baluti ng tala Kaya kahit na anong pang-aapi 'di makakapinsala Sampung ulit nadapa o higit pa yata Ngunit 'di nadala makulit na bata Hanggang nakakaramdam ng kaligayahan Maglalaro nang paulit-ulit tatakbo sa kalsada Hahabulin kung sino ako sa aking panaginip Matulin man o mailap basta laging bibirit Ng hindi nagmamadali o hindi pinipilit Na parang isang motoristang hindi sumisingit 'Di mananaig ang galit kahit maaring mapatid Walang malaking balakid sa taong merong dambuhalang pangarap Sa taas lang ang kapit minsan mangangawit Kung bibitaw ka'y alalahanin lang kung bakit ba humawak yumakap O unang lumakad sa daang tinahak Hinamak lahat kasi nga pinaglaban mo Sa matigas mong bungo Tinarak yung banat na ikaw ay karapat-dapat Mga tinaga mo sa bato ay pag-hugutan mo 'Pag namamalat sa kalagitnaan ng pagtatanghal Ang mahal sa buhay ay nagsisilbi kong tubig At taga-angat ng enerhiya pag pinanghihinaan Kaya mas tumatagal sa napiling kong tungkulin Una pa lang di na nag-dalawang isip sa hinakbangan Nung tumagal mas pinanindigan parang pinakasalan Na minamahal na kasintahan 'di na pinakawalan Inalagaan sinipagan sinamahan ng dasal Ang pag-kapit ay mas lalo ko lang na hinigpitan Parang pakanan kong pinihit ang turnilyo Ideyang nag-uumapaw o laging puno na parang tubig sa timba Kapag laging nakabukas ang gripo kasi nga Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang hadlang sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika
Download lagu Ramdiss, Hero, Gloc-9, G-Clown - NASPI (MP3) secara gratis dan cepat di STAFABANDMP3. Temukan informasi lengkap tentang lagu ini pada tabel di atas, termasuk lirik, link download, dan detail musik lainnya.
Semua lagu yang tersedia di STAFABANDMP3 berasal dari situs Converter YouTube. STAFABANDMP3 hanya berfungsi sebagai media perantara dengan tujuan untuk memberikan preview lagu.
Jika kamu merasa tidak nyaman atau keberatan lagu ini ditampilkan di STAFABANDMP3, silakan kirim email ke admin@stafabandmp3.org untuk permintaan penghapusan.
Sebaliknya, jika kamu menyukai lagu Ramdiss, Hero, Gloc-9, G-Clown – NASPI, kami sangat menyarankan untuk mendukung karya asli sang artis dengan membeli kaset, CD resmi, atau dengan cara download dan streaming lagu secara legal di platform resmi. Kamu juga bisa mendukung Ramdiss, Hero, Gloc-9, G-Clown dengan menonton konser, subscribe channel YouTube resminya, serta mengikuti akun media sosialnya.